My Dreams

Ako si Lhuella Marie Rañola Labastida

15 taong gulang

Grade 10 student na pinaplano kung ano ang aking Kinabukasan.

1. Ano ang ninanais mong makamit o layunin sa sumusunod na aspekto ng buhay?

Edukasyon

Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral upang maging maganda ang aking buhay sa hinaharap at matupad ko ang aking pangako sa aking mga magulang na magtatapos ako at susuklian ko ang kanilang paghihirap. Gusto kong maging isang ganap na Flight Attendant dahil gusto kong makapunta sa iba’t ibang lugar at pag-aralan ang iba’t ibang lengwahe.

Kasal

Ang edad na gusto kong ikasal ay 28 anyos, dahil sa edad na ito nakapagtapos na ako ng aking pag-aaral at nakamit ko na ang aking pangarap na maging isang ganap na Flight Attendant, nakapag-ipon na rin ako ng perang para sa aking pamilya. Gusto ko rin munang ma-enjoy ang buhay dalaga at malibot ang magagandang tanawin sa iba’t ibang bansa bago ako pumasok sa pag-aasawa.

Ang mga katangian na hinahanap ko para sa aking mapapangasawa ay:

Faithful

May pangarap sa buhay

Mayroong sense of humor

Matangkad

Malinis sa katawan

At mahal ako pati ang aking mga magulang.

Anak

Hangga’t maaari ang gusto kong anak ay dalawa, isang lalaki at isang babae. Ang gusto kong agwat nila ay dalawang taon. Hinihiling ko na sana ang aking magiging panganay na anak ay lalaki, para siya ang magiging tagapag-tanggol ng magiging bunso ko kung sakaling may mangbulas sa kaniya.

Libangan

Ang aking libangan ay ang magbasa ng wattpad at gumala. Tuwing nagbabasa ako sa wattpad ay nakakaramdam ako ng kilig, takot, tuwa at iba pa, depende sa storyang aking binabasa. At sa paggala naman kasama ang aking mga kaibigan ay masaya dahil makakalimutan mo pansamantala ang iyong mga problema.

Pagreretiro

Magreretiro ako kapag hindi ko na kayang magtrabaho at kapag may edad na ako. Kapag ang mga anak ko ay nakamit na ang kani-kanilang pangarap at nasa magandang kalagayan na sila ng buhay.

Iba pang Aspekto ng Buhay

Ang pagtulong at pagalaga sa aking magulang at alagaan ang aking nakababatang kapatid.

2. Sa gulang na 30, alin sa mga aspekto/layuning ito ang palagay mo ay nakamit mo na?

Maaaring ako ay nakapagtapos na ng pag-aaral at nagtatrabaho na ako bilang isang Flight Attendant.

3. Sa gulang na 40, alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na?

Sa palagay ko nakamit ko na ang aking mga pangarap sa buhay, may sarili na akong bahay at lupa, may sariling kotse, nakapag-patapos na ako ng pag-aaral sa aking anak at narating ko na ang mga magagandang tanawin dito sa buong mundo kasama ang aking mga magulang, kapatid at syempre ang aking sariling pamilya.

4. Sa iyong buhay ngayon, ano kaya ang maaari mong gawin upang makatiyak na ang iyong mga layunin ay makamit o maisakatuparan?

Haharapin ko ang mga pagsubok na darating sa akin. Hindi ako susuko dahil ito ang aking pangarap. Magsisikap akong makapagtapos ng pag-aaral upang makamtan ko ang aking inaasam.

5. Ano kayang pagbabago ang maaaring mangyari sa mga plano mo sa buhay kung ikaw ay mabuntis? Maging batang ama o ina? Masangkot sa prostitusyon, at iba pa?

Maaaring hindi ako makapag-tapos ng aking pag-aaral, ngunit kapag ako ay naging batang ina at nailuwal ko na ang aking magiging anak, itutuloy ko pa rin ang aking pag-aaral. Tuloy pa rin ang pangarap at hangarin sa buhay dahil hindi ito hadlang upang hindi matupad ang plano. Matutong bumangon sa pagkakamali, maging matiyaga at responsable hanggang sa makamit ang pangarap sa buhay.

6. Magsulat ng isang maikling essay tungkol sa isang tanong na nabanggit sa itaas. Iugnay ito sa iyong buhay.

Maraming mga bagay ang nagiging dahilan upang maudlot ang ating mga pangarap sa buhay. Isang maling desisyon ay maaari nang ma-apektuhan ang iyong hinaharap. Halimbawa nito ay ang maagang pagbu-buntis. Marami nang nasirang pangarap dahil sa isyung ito. Maaari mong maranasan ang deskrimasyon, pagkamuhi, panghuhusga, na nagiging dahilan ng depresyon at nauuwi sa pagkikitil ng sariling buhay. Everything happens for a reason ika nga nila. May dahilan kung bakit iyan nangyayari. Kagaya nga nang sinabi ko, huwag kang susuko sa mga problemang dadating sayo, matuto kang lumaban dahil hindi yan ang dahilan upang hindi ka makapag-tapos ng pag-aaral o kaya’y kitilin ang sarili mong buhay. Maraming nagmamahal sayo, nandiyan ang pamilya mo na kahit ilan pang pagkakamali ang iyong gawin, mananatili pa rin ang awa at ang pagmamahal nila. Nandiyan ang iyong mga kaibigan na handang tumulong sayo at iahon ka sa kalungkutan. Alam nang Diyos na kaya mo yang lagpasan. Wag kang magpapalunod sa sinasabi nang iba. Wag kang susuko, tuloy lang ang laban.

Leave a comment